Tuesday, February 21

Wedding preps....

Nakakapagod pala magplano ng kasal. Ang dami-daming pwede maging supplier, ang dami-daming ideas na gusto mong i-incorporate, ang dami-daming kelangan ayusin na papeles na nakaka-overwhelm sya.

Nagpunta kami ni M sa bridal fair sa megamall nung biyernes at linggo. Grabe. Nakakalula. Ang daming suppliers na nandun at ang daming tao. Di ko lang alam kung lahat ng mga yun ay ikakasal tulad namin o nakiki-uzi lang. hehehe... pero sobrang nakakapagod. But what the heck! minsan lang mangyari ito so I'm enjoying every minute of it kahit na nakaka-stress sya.

46 days to go na lang before the big day. Wala pa kaming marriage license. Paksyet.

Kung gusto nyo ng detalye sa mga nagawa namin para sa wedding, punta na lang kayo dito

No comments: